Tuesday, October 15, 2019

MGA KATUTUBO AT PAGKAING PINOY

GOV. ROQUE B. ABLAN SR. MEMORIAL ACADEMY INC.
SOLSONA , ILOCOS NORTE

MGA KATUTUBO AT PAGKAING PINOY

INIHANDA NINA:
DARRYL KEITH B. LORENZO
JOLIE CHRIS PLATIN
RONALD GILO
WILMA LUBONG



IPAPASA KAY:
BB. ARVIN MAY F. RAMOS
PETSA:
OCTOBER 15, 2019



MGA PAGKAING PINOY
Masasabing ang kultura ng isang bansa ay nalalarawan sa kanyang lutuin.  Ang taal ng pagkaing Pilipino ay payak.  Pero ito ay nadadagdagan na ng mga putaheng kastila at Tsino., Amerikano at Bumbay.  Liban pa rito, bawa't rehiyon o probinsiya ay may kani-kaniyangespesyal na luto at panlasa.   Mayroon ding kaibhan ang pagkaing pang arw-araw at pagkaing panpista.
Di masyadong palakain ng karne ang mga Pilipino.  Marahil dahil sa dami ng uri at yaman ng ani mula sa dagat.   Karamihan ng katutubong putahe ay uko sa isda, alimango, talaba at hipon.   Sinasabing ang mga pagkaing-dagat na mula sa tubig ng Pilipinas ay isa sa pinakamalinamnam sa mundo.  Dalawa ang pinatampok na isda sa arkipelagong ito:   ang bangus at ang lapu-lapu.
Ang tradisyonal na putahe sa pista ay litson.  Karaniwan nang iniihaw ito sa araw mismo ng kasayahan. Tinutusok ng kawayan ang kinatay na baboy at pinapaikut-ikot sa ibabaw ng nagbabagang uling.  Ang pinaka-atay ay ginagawang salsa.  Umaabot nang walo hanggang sampung oras ang paglulutson ng baboy kaya isang malaking okasyon ang paghahanda nito.
Mahilig rin sa gulay ang mga Pilipino.  Ginagamit nila itong pansahog sa baboy at karne, at kung minsan ay bilang pinkatampok na putahe.  Kapag sa huli. ginigisa itong kasama ng piraso ng baboy at hipon.  Marahil ang pinkatanyag na putaheng gulay ay ang pinakbet ng mga Ilokano.
Ang mga katutubong panghimagas ay gawa sa giniling na bigas, mais, ube o kamote.  Minamatamis rin ang ilang mga prutas na tulad ng saging, santol, langka at iba pa.  Makikita sa panghimagas ang impluwensiya ng kastila.  Karamihan sa nga putaheng ginagamitan ng itlog at gatas ay halaw sa lutuing kastila, tulad ng leche flan, braso de mercedes, at pastillas.  Mayroon ding tinatawag ng halu-halo ang mga Pilipino.  Ito'y iba't-ibang pinagsamang prutas at gulaman na may kinaskas na yelo, gatas, at asukal.
Mula sa Tsina, nakuha ng Pilipino ang pansit bagama't ang pagluluto nila rito ay may kaibhan.  Mayroon din namng pagkaing Amerikano sa lutuing Pilipino.  Ang pinakakaraniwan dito ay ang bistik --maninipis na hiwa ng karne na may toyo at kalamansi at pinirito at sinahigan ng sibuyas.
Masasabi ngang nilalarawan ng lutuing PIlipino hindi lamang ang kanyang kulutra kundi pati na ang kanyang kasaysayan.

PINAKBET

 Ang pinakbet ay isang kilalang putahe ng mga taga-hilagang Luzon.Ang mga sangkap nitong gulay ay naitatanim at naaani buwan-buwan. Tulad na lamang ng kalabasa, talong, okra, sitaw, kmatis at iba pa ay may sustansyang dulot sa ating katawan na nagbibigay ng lakas sa pang araw-araw. Ang pinakbet ay sumasalamin sa agrikultura at pamumuhay ng mga taga-hilagang luzon na kung saan hindi alintana ang init ng panahon o lamig ng panahon at madalas na makikita sa bakuran ng mga Ilokano. Sa rehiyon ng Ilocos matatagpuan ang pinakbet. Ang pinakbet ay isang salitang Ilokano na ang ibig-sabihin ay "pinakebbet" o pinatuyo. Ang pinakbet ay nagmula sa lalawigan ng Ilocos Sur. Ito ay sinasahugan ng karne, isda, at iba pa..


BAGNET


Ang bagnét ay pagkaing gawa sa rehiyong Ilocos na maaaring tumukoy sa kanilang bersiyon ng tsitsaron, liyempo, o letsong kawali. Gayunman, naiiba ito dahil iniluluto ang karneng baboy sa malalaking piraso. Kilala ang Lungsod Vigan sa bagnet bagaman hindi patatalo ang Laoag at Batac ng Ilocos Norte. Tinatawag din itong Ilocano crispy pork belly sa labas ng bansa.Nagsisimula ang paghahanda ng bagnet sa pagpapatuyo ng sariwang karne sa ilalim ng sikat ng araw. Pagkatapos, hihiwain ito sa mga piraso at ilalagay sa isang malaking kaldero upang pakuluan hanggang lumambot. Iaahon ang karne at patutuyuin muli bago ibabad sa mainit na mantika. Kapag nagkulay kayumanggi na, iaahon ulit ang karne at patutuyuin gamit ang papel hanggang lumamig. Pagkatapos, ilulublob muli ito sa mainit na mantika. Uulitin ang prosesong ito hanggang pumutok ang balát, na hudyat na malutong na malutong na ito.




Longganisa







Ang longganisa o langgonisa (Kastila: longaniza o chorizo; Ingles: sausage) ay isang uri ng pagkaing may palamang giniling na karne ng baboy,baka o manok, at binalot sa balat ng bituka. Mayroon ding longganisang walang balat o walang balot (skinless longganisa). Ang uri ng maanghang na longganisa na galing sa Bilbao,Espanya ay tinatawag na chorizo de Bilbao (longganisa ng Bilbao o tsurisong mula sa Bilbao). 




Sisig
Ang sisig ay isang kilalang ulam sa Pilipinas. Gawa ito sa mga bahaging-ulo ng baboy at ang mga laman nito, at maaaring palasahan ng kalamansi at/o sili. Madalas itong kinakain bilang pulutan kasabay ng beer at karaniwang hindi sinasabayan ng kanin.
Maaari rin tumukoy ang sisig sa isang paraan ng pagluto o paghanda ng pagkain. Sa ganitong pamamaraan, maaari ring isisig ang hindi limitado sa paggamit ng ulo ang tunapusit, at iba pa.






LAING

Ang laing ay isang uri ng pagkaing Pilipino na kinasasangkapan ng pinatuyong mga dahon ng gabi at karne pagkaing-dagat na niluto sa gata. Tinitimplahan ito ng mga pampalasa katulad ng siling labuyo, tanglad, bawangbakalotluya, at bagoong. Nagmumula ito sa Bicol, kung saan kilala ito bilang pinangat. Ang laing ay uri rin ng ginataan (pagkaing Pilipino na niluluto sa gata), at kaya maaaring tukuyin ito bilang ginataang laing. Kinakain ang laing kasama ang kanin o tinapay. Kinakain din ito bilang pamutat sa karne.


DINUGUAN




Dinuguan (in Visayan, ang tawag ay dinardaraan in Ilocano, tid-tad sa Pampanga, sinugaok sa Batangas, rugodugo sa Waray, at sampayna o champayna sa Northern Mindanao) ay Pilipinong sabawan na may karne at offal (typikal na apdo, atay, laman loob, tainga, puso) Nasabi na noong bago sa kapanahunan ng kastila at mga kapanahunan ng kastila , ang mag baboy ay kinakatay ng mga kataatasan na mga tao at opisyales kapag pita at sa iba pang mga paghahanda. Ang mga nakatataas ang nakakakuha ng karamihan ng baboy at tinitira ang piraso sa mga katulong.  Ang mga tiring piraso ay nilalagyan ng asin, bawang, sibuyas para gawin sabaw. Bukod pa sa karaniwang bawang at sibuyas, ang dinuguan ay niluluto sa pepper para mabango at malasaMAloob.   Maaari din dagdagan ng dahon ng “bay” para mabango pa ng husto. 

SINIGANG

Ang sinigang ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na maaaring may sangkap na karneisda o iba pang laman-dagat.Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang kaniyang naparami at may kaasiman na sabaw. Karaniwang sinasahugan at tinitimplahan ito ng mga maaasim na prutas, katulad ng sampalok,kamyas,at bayabas.
 Sa pagkaalam ng kasaysayan nito, atin namang alamin ang proseso ng pagluto nito. Una, kinakailangang alamin ang mga sangkap nito. Kasama na rito ang : baboy, hipon, o baka, labanos, kamatis, sibuyas, sitaw, kangkong, paminta, asin, at, paminsan – minsan, sili, at sampalok. Magpakulo lamang ng tubig at unang ilagay ang karne. Kailangan ito unahin dahil mahirap ito palambutin. Isusunod na ilalagay ay ang mga gulay at pampalasa. Pakuluin ito hanggang lumambot na ang mga gulay. Maari itong kainin nang walang kasama, o ‘di kaya’y bilang ulam sa kanin.Sinabi sa mga sangkap nito na puwedeng baboy, hipon, o ‘di kaya’y baka. Ito ay dahil maraming ibang uri ng sinigang.



ADOBO


Ang pagkaing Pilipino ay nahulma at hinuhulma ng kasaysayan, kapaligiran, at lupain ayon sa manunulat na si Doreen Fernandez. Ang paraan ng pamumuhay din at ang lipunan ay nakaaapekto din sa paraan ng pagluluto ng mga Pilipino. Ang pagdating ng iba’t ibang mananakop ay nagpakilala sa atin ng iba’t ibang putahe at paraan ng pagluluto na siya naman ginawan natin ng ating sariling bersyon or ginawang “indigenized.” Isa ang Adobo sa putahe na masasabing “indigenized” bilang ang pangalan na ito ay hinugot sa Espanyol na meron din kaparehas na putahe na Spanish Adobo. Ayon kay Raymond Sokolov, noong 16th siglo ay napansin ng mga mananakop na espanyol ang luto ng mga Pinoy na pinapakuluan sa soy sauce at suka ang baboy at manok at tinawag nila itong adobo (Tayag, 2013). Ayon naman kay Doreen, ang salitang adobo ay nangangahulugan proseso na pagluluto at ang adobado naman ay ang tawag mismo sa putahe para sa mga Espanyol.




Humba

Humba o “hoom-bah” ay isang uri ng nilaga na liempo o tiyan ng baboy na hinaluan ng pulang asukal, suka, toyo, bawang, asin, paminta, star anise, dahon ng laurel, puso ng saging, tubig at tausi. Ito ay yung bersyon ng mga Cebuano ng kanilang sariling uri ng adobo. Ang tanging pinagkaiba nila ay ang paglagay ng tausi at puso ng saging na wala sa adobo. Hinahanda ito depende sa mga gusto kumain nito. Pwedeng araw araw, tuwing fiesta o di kaya tuwing may espesyal na okasyon tulad ng kaarawan. Ang lasa ng Humba ay matamis na maasim na may alat dahil sa tausi.

LINARANG

 Linarang ang isa din sa mga dapat subukan na pagkain pag ikaw ay napunta ng Cebu. Ang kadalasang isda na ginagamit dito bilang sangkap ay molmol (parrotfish) o bakasi (eel). Pwede din ang tagotongan (pufferfish), pagi (stingray) at pating (shark) ngunit ito lamang ay nahahain sa Pasil, malapit sa Talisay City Hall. Ang linarang ay kilala sa lasa nitong maasim na maanghang na pagkain bilang “comfort food” o “recovery food” para sa may mga “hangover” dahil bukod sa kaanghangan nito ay depende din sa isdang ginamit na dumadagdag sa pampainit ng katawan.

BICOL EXPRESS

 Ang Bicol ay tanyag dahil sa bulkang Mayon na mayroon perpektong hugis ng apa. Dahil dito, nagi itong isang sikat na tourist spot sa ating bansa. Ngunit higit sa lahat, kilala ang Region 5 dahil sa kanilang pagkaing karaniwang may sakap na gata ng niyog at sili. Isa sa hinahanap hanap dito ay ang sarap ng anghang na dulot. ng Bicol Express.   Ang Bicol Express ay isang pagkaing Pinoy na maanghang dahil sa puno ito ng sili. Dahil marami ang niyog sa Bicol at hindi mawawala ang sili sa bawat pagkaing Bicolano, ang dalawang ito ang pangunahing sangkap sa pagluto ng Bicol Express.





CHICKEN PASTIL

 Ang PASTIL ay isa sa pinakakaraniwang go-to dish ng Dabawenyos. Hindi lamang ito kilala upang maging abot-kayang ngunit maginhawa din. Ang Pastil ay isang ulam na Muslim na sinasabing nagmula sa Maguindanao at kumalat sa iba pang mga bahagi ng Mindanao. Ang isang normal na pastil ay binubuo ng compact at shredded na manok, baka, o isda na nakabalot sa dahon ng saging. Ang pinaka-karaniwang pastil, kahit na gumamit ng karne ng manok. Ang isang solong paghahatid ay nagkakahalaga ng P10 hanggang P20. Sa Davao City, ang pagkain na ito ay tanyag para sa mga mag-aaral, mga batang propesyonal, mga tao sa isang badyet, at ang mga Dabawenyos at turista na magkakapareha na nagpapasya sa Roxas Night Market kung saan mayroong maraming mga kuwadra na nagbebenta ng pastil.




DINAKDAKAN
Ang Dinakdakan ay maaaring sabihing bersyon nila ng sisig. Ang kadalasang ginagamit dito ay parte ng baboy tulad ng batok, dila, laman loob o laman. Ito ay iniihaw at hinihiwa (pero hindi ganun ka liliit tulad ng sa sisig). Ang special na ingredient nito ay nilagang utak ng baboy na siyang ginagawang parang ‘cream’ nito





KALDERETA

 Ang kaldereta ay pangkaraniwang niluluto na may karne ng  kambing. Sa mga panahong ito, pwede ng gamitin ang kahit anong karne hanggang ito’y lumambot at dahan-dahang lulutuin na may malapot na sarsa na gawa sa tinadtad na sibuyas, bawang , kamatis at durog na paminta. Maaaring ibahin kung gaano kaanghang ang lutuin. Maari ring magdagdag ng hiniwang patatas at karots




TINAPANG BANGUS

 Hinahati sa gitna ang isang buong bangus at itinatanggal ang mga kaliskis at ang mga lamang loob nito. Ang ibang gumagawa ay tinatanggal ang mga tinik. Ibinababad muna ang isda sa asin at tubig, at patutuluin at lulutuin sa pressure cooker, ibibilad sa araw at pauusukan para makumpleto ang proseso ng pagluluto. Ginagamit ang mantika sa balat para ito’y maging makintab. Ang bago at sariwang tinapang bangus ay pwede nang iprito hanggang sa maging malutong ang balat nito.



KARE-KARE

 Isa rin ang kare-kare sa masasarap na lutuing ulam ng mga Pinoy. Ito’y gawa sa sangkap na tulad ng karne ng baka  na particular ang lamang loob nito at iba;t-ibang uri ng gulay, dinurog na mani o di kaya naman peanut buttder, at malagkit na kanin.











PINOY
MERYENDA



SINUKMANI 

Ito ay kilala rin sa tawag na biko sa iba pang mga lugar sa Pilipinas. Isang lutuing bibingka kung saan ito ay binubuo ng malagkit na bigas at minatamisang gata ng niyog, kadalasang pinai-ibabawan ng purong mani, hiniwang manggang hinog o kahit latik na kung saan ay ginawa mula sa gata ng niyog, para sa karagdagang lasa.Tulad ng biko, marami ring pamamaraan ang pagluluto ng sinukmani. Nariyan na ang pag-gamit ng pirurutong na bigas, asukal na puti at paglalagay ng mga karagdagang lasa. nariyan na rin ang paghuhurno, o lutuin lamang ito sa gata. Sikat na kakanin o panghapunang meryenda sa mga lalawigan ng katimugang rehiyon ng Pilipinas. Laguna, Batangas, Bicol at iba pang lugar sa Calabarzon. Pangkaraniwan ding inihahanda  tuwing may mga piyesta o iba pang kasiyahan. Sa Batangas,  mayroong pagdiriwang na ginagawa taon taon. Ito ang sinukmani festival, ang mahabang talahanayan ng matamis at napakasarap na pagkain. inilatag at ibinabahagi sa mga lokal na residente. 


Taho

 Ang taho (Lan-nang豆花 tāu-hue) ay isang uri ng pagkaing Pilipino na hango mula sa impluwensiya ng mga Intsik. Isa itong matamis na pagkain mula sa balatong (Ingles: soybean, mga butong gamit sa paggawa ng sawsawang toyo), arnibal o pulot (Ingles: syrup) at maliliit na sago.Laganap ang meryenda na ito at makahahanap ng mga magtataho sa buong bansa. Tauhue ang katumbas nito sa Indonesia at Taylandiya, at Taufufah naman sa Malaysia.


PANSIT PALABOK

Ang pancit palabok ay isang tradisyunal na pagkaing Pilipino na binubuo ng manipis na noodles na bigas na nilublub sa isang creamy shrimp-infused na sarsa at pinuno ng iba't ibang mga toppings tulad ng mga pinakuluang itlog, chicharon , hipon, baboy, isda, at mga scallion. Ang klasiko na ito ay isa sa mga pinakatanyag na uri ng tradisyonal na luto ng pancit at itinuturing na isang tunay na imbensyon ng Pilipino, hindi katulad ng iba pang mga bersyon na naiimpluwensyang Tsino. Kahit na karaniwang ito ay inihanda sa maraming mga sambahayan ng mga Pilipino, ito ay karaniwang inihanda para sa mga espesyal at maligaya na okasyon.


EMPANADA
Ang Ilocos empanada ay sumasalamin sa kasaysayan mismo, dahil ito ay inspirasyon ng Espanya empanada. Ang Empanada ay isang pangkaraniwang meryenda na nagmula sa Espanya at mga dating kolonyal na Latin American. Ang isang empanada ay ginawa gamit ang harina ng trigo at pinalamanan ng karne, karot, mais, keso, at paminta. Maraming pagkakaiba-iba sa mga palaman, depende sa mga sangkap na magagamit sa lugar.


HALO-HALO

Ang halo-halo o haluhalo (mula sa salitang ugat na halo) ay isang tanyag na pagkaing pangmeryenda sa Pilipinas, na may pinagsama-samang ginadgad na yelo at gatas, na hinaluan ng iba't ibang pinakuluang mga mga munggo at prutas, at isinisilbing malamig habang nakalagay sa isang mataas na baso o mangkok.Walang natatanging resipi para sa meryendang ito, at may malawak na kaurian ang mga sahog na ginagamit. Nagbago-bago ang pagkakasunud-sunod na paglalagay ng mga sangkap. Kabílang sa mga pangunahing mga sahog ang mga pinakuluang pulang munggo, karaniwang munggong kahugis ng bato ng tao, garbansoskaong, kinayod na buko o makapuno, at saging na sabang nilagyan ng arnibal. Maaari din itong sahugan ng langkakaymitosagonata de cocoubekamote, minatanamis na maispinipiglecheflansorbetesgulaman at pilì. May iba ring nilalangkapan ng papayaabukadokiwisaging o cherry. May ilang paghahanda na nilalagyan ng sorbetes sa ibabaw ang halo-halo.Pangkaraniwan nang ginagamit ang gatas na kondensada o gatas na ebaporada sa halip na sariwang gatas, dahil sa klimang pantropiko ng Pilipinas.Sa paghahanda, karamihan sa mga sangkap (prutas, munggo, at ibang minatamis) ay unang inilalagay sa loob ng isang mataas na baso, na susundan ng ginadgad na yelo. Pagkatapos ay bubudburan naman ng asukal at papatungan ng leche flan, ube halaya, o sorbetes (maaaring magkakasama ito). Bubuhusan ng gatas na kondensada ang halo-halo bago ihain.Pinakikita ng meryendang ito ang pagsasanib ng Kanluranin at Hilaga sa kalinangan ng mga Pilipino, na ang mga ginagamit na sahog ay nagmula sa malawak na mga impluwensiya. Halimbawa na: mula sa mga Tsino ang pulang munggo, mula sa mga Indiyano ang garbansos, mula sa mga Kastila ang leche flan, at mula sa mga Amerikano ang ginadgad na yelo.
 AROSKÁLDO


 Ang aroskáldo ay nilutong bigas na may sabaw at sahog na manok at luya. Sa malawak na paraan, isang uri ito ng lúgaw (porridge o congee sa Ingles) na nilutong bigas (kánin sa Tagalog) na may sabaw at sahog. Pinakasimpleng lugaw ang walang anumang sahog. Karaniwang ipinakakain ito sa maysakit.Ngunit sa pagtakbo ng panahon ay lumitaw ang mga lugaw na may iba’t ibang sahog. May lugaw na may sahog na isda, hibi o hebe, itlog, at karne.Ang lugaw na may lamáng-loob (bituka at kalyos) ng báka ay tinatawag na góto. Ang lugaw na may tokwa at baboy ay malimit na tawaging tókwa-báboy (itinatawag din ito sa putaheng walang lugaw at nakababad sa toyo). Hindi malinaw kung naimbento lámang ang aroskaldo noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Ngunit itinuturing itong higit na espesyal na lugaw at paboritong ihanda bilang putaheng panghatinggabi sa Bagong Taon. Bago kainin ang lugaw, malimit na tinitimplahan ito ng patis, toyo, bawang, paminta, o kalamansi.



BETAMAX
Tinawag na ganito ang pagkain sapagkat ito ay kahugis ng isang bala ng betamax . Ito ay gawa sa namuong dugo ng manok o baboy na pinakuluan kasama ang ibang pampalasa, hinugisa ng kubiko at sa tinuhog at inihaw.Ang pagkain nito ay sinasamahan ng suka , pamintang durog at pinong sibuyas.




TURON



Ang pagkaing turon ay gawa sa saba na hiniwang pahaba (para mabilis maluto) at ibinilot sa pulang asukal, saka ibabalot ang lumpia wrapper. Maaaring dagdagan ito ng hinimay na langka para mas lalong sumarap ang lasa. Pagkatapos ay  idi-deep fry ito hanggang sa maging pula at malutong  ang balat nito.

KWEK-KWEK


Ang Kwek-Kwek o tokneneng ay nilagang itlog  ng manok ay nilagang itlog ng manok o pugo na binlutan ng kulay kahel na gawa sa harina, tubig, ibang panimpla at atsuete bilang pampakulay. Ang itlog ay deep-fried. Kinakain ito nang may kasamang suka at pininong sibuyas, kung minsan ay nilalagyan ng sili o pampaanghang.


ISAW
 Ang isaw ay inihaw na bituka ng manok at baboy na nilinis ng ilang ulit sa loob at labas habang pinakukuluan at pagkatapos ay dadagdagan ng panimpla. Ang bituka ay itutusok sa tuhugan nang pagsigsag bago ihawin.Dahil sa hugis nito, minsan rin itong tinawag na IUD (Intra –uterine device).



FISHBALL
 Ang hilaw na fishball ay maliliit na bilog at parang plato ang hugis ngunit kapag inilubog  sa mainit na mantika ay unti unting umaalsa . Ang manlalako ay nagtitinda dala ang isang pushcart na naglalaman ng gas burner o LPG tank at iba pa. Bawat mamimili ay binibigyan ng maliit na pangtuhog at platong karton upang maging lalagyanan nito. Maaari silang mag tuhog ng kahit ilan at ilubog sa tatlong uri ng sarsa : matamis, maanghang, at matamis na maasim. Sa kasalukuyan ang pagkaing kalye na ito na pinauso pa ng mga Intsik ang pinakasikat sa mga Pilipino.







MGA EXOTIC FOOD SA PILIPINAS

BALUT

 Ito ang pinaka-sikat na exotic food dito sa Pinas. Sino ba namang Pilipino ang hindi nakakaalam sa pagkaing ito?  Ang Balut ay isang klase ng developed egg ng bibe. Kakaiba ang lasa nito pero swak  na swak sa sarap! Masarap din itong i-partner sa asin at suka. Kung tatanongin niyo saan makakahanap ng ganito, eh wag kang mag-panic! Dahil kahit saang sulok  ng bansa mayroong Balut. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay ng sisigaw ng “Balut!!!!” sa may kanto niyo mamayang gabi. 







SALAWAKI

Ang Salawaki ay isang uri ng lamang dagat na kung tawagin ay sea urchins sa Ingles! Ito yung lamang dagat na pag natusok ka ay malalason ka. Pero alam niyo ba na sa Bohol at Bolinao ay kinakain nila ito? Lutong Kilawin ang madalas gawin sa Salawaki! At kung gaano to kapanganib pag natusok ka… ay ‘yon namang ikina-sustansya pag kinain mo siya. Dahil maraming dala-dalang bitamina ang pagkain ng sea urchins o salawaki.

ADOBONG SALAGUBANG

 Sitsiritsit, alibangbang salaginto’t salagubang ‘yan ang sabi sa kanta noong tayo ay pre-school pa lamang. Pero alam niyo ba na pwedeng kainin ang Salagubang? Lutong Adobo pa nga! Ang Adobong Salagubang ay nagmula sa nueva ecija na kung saan madalas itong iluto pagdating ng tag-ulan. Masarap daw itong ipartner sa beer.




TAMILOK


Nakakain ka na ba ng bulate? Pwes kung hindi pa dapat subukan mo ‘tong Tamilok ng Palawan! Ang Tamilok ay isang klase ng madulas at kulay gray na uod na talaga nga namang nakaka-“eww” pero napaka-sarap ng lasa! Ang sabi ng mga matatapang na taong nakatikim nito… lasang-lasang oyster ang mga bulateng ito. 




KAMARU




Ilan siguro sa inyo ay hindi pamilyar sa Kamaru. Ang Kamaru (rice field crickets) ay isang klase ng peste sa pampanga na makikita sa mga bukirin. Madalas itong gawing adobo o di kaya ay piniprito ng mga Kapampangan! Bagay na bagay itong kainin sa mga inuman. Ito ang number one, pulutan ng mga manginginom na kapampangan!



ADOBONG SAWA


Ito naman ang number one pulutan ng mga manginginom sa Nueva Ecija, ang Adobong Sawa! Bukod sa adobo, pwedeng pritohin ang balat nito para gawing chicharon. Ang sabi ng mga tao kumain nito, mayroon daw epekto sa katawan ang pagkain ng Adobong Sawa. Makakaramdam ka daw ng init sa katawan pagkatapos mo itong kainin! 


Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging mahilig sa pagkain. Lalo na at napakaraming mga kainan ang makikita sa bawat sulok nitong ating bansa. Bawat lugar at probinsya ay mayroong mga ulam na ipinagmamalaki. Bawat okasyon ay mayroon tayong mga partikular na putahe o mga pagkain na inululuto at inihahanda sa ating hapag-kainan. Nandiyan din yung mga pagkakataon na makarinig ka lamang ng salitang pagkaing Pinoy ay papasok na agad sa isip mo ang iba’t-ibang ulam na pwedeng makita sa mga hapagkainan nating mga Pilipino. Ilan sa mga ulam na ito ay ang mga Adobo, Sinigang, Nilaga, Kare-kare, Lechon at iba pang mga ulam na paboritong-paborito natin.

           Ika nga ng iba, “EATING. MORE FUN IN THE PHILIPPINES” kaya naman maraming mga Pilipino sa ibang bansa ang mga nakakamiss kumain dito sa atin dahil iba pa rin daw ang LUTONG PINOY. Ang pagkain dito ay hindi lamang masasabi na masarap masasabi rin na malaki ang naitutulong nito pagdating sa ating mga kalusugan dahil bawat isang partikular na pagkain ay mayroong nilalaman na iba’t-ibang bitamina at mga pampalakas sa katawan. Sa ibaba ay makikita ang mga masasarap na mga Putaheng Pinoy na imposible na hindian ng mga Pilipino kapag inihain na sa lamesa.

No comments:

Post a Comment